(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2013) ---Isinusulong
ngayon ng Rural Health Unit ng Kabacan ang clean up drive sa mga brgy. ng
Kabacan dahil sa mataas na kaso ng dengue sa lugar.
Sinabi ni Secretary to the Sangguniang bayan
Beatriz Maderas na ang nasabing resolusyon ay isinulong nitong nakaraang
session sa Sangguniang bayan ni Municipal Officer Dr. Sofronio Edu, Jr. sa
pamamagitan ni councilor George Manuel ang may hawak ng Committee on Health sa
Sanggunian.
Batay kasi sa report ni Disease Surveillance
and Health Emergency and Management Coordinator Honey Joy Cabellon umaabot sa
kabuuang 40 kaso ang naitala ng kanilang tanggapan mas mataas ng tatlong beses
sa kaparehong quarter ng nakaraang taon.
Ayon kay Cabellon, ang Poblacion pa
rin ang may pinakamataas na kaso ng dengue, sinundan ito ng mga brgy. ng Osias,
Lower Paatan, Kilagasan, Kayaga, Dagupan at Aringay.
Kaugnay nito, nais ni Edu na
palakasin pa ang Education Information Campaign patungkol sa sakit na dengue.
Ilan sa mga posibleng dahilan ng pagtaas ng
kaso ng dengue sa lugar ay ang pagkakaroon ng breeding sites sa loob at labas
ng mga bahay dahil sa pabago-bagong panahon at paglalagay ng tubig sa mga
walang takip na lalagyan.
Nagpaalala naman ang DOH na sundin ang “4S”
campaign ng ahensya kontra dengue. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento