Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pulis na dinukot ng NPA sa North Cotabato; pinalaya na!


(Arakan, North Cotabato/ May 9, 2013) ---Pinalaya na ng New People’s Army o NPA ang dinukot na Pulis na si Police Officer 3 Maula Tato Ali ng Arakan PNP sa brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 2:30 kahapon.

Ang paglaya sa opisyal ay kinumpirma ni NPA Regional Political Department Ka Simon Santiago.


Ayon kay Santigao, mismong ang NPA’s Mount Apo sub-regional command ang nag-turn-over kay Ali sa mismong asawa nito at sa mga grupo ng mga peace advocates sa Mindanao.

Agad namang isinailalim si Ali sa medical Check-up.

Sinabi naman ng pamunuan ng NPA na sa kabila ng presensiya ng tropa ng gobyerno, itinuloy pa rin nila ang paglaya sa Prisoners of War o POW.

Dagdag pa nito na may mga nakaposisyon umanong mga sundalo ang 8th IB ng 10th Infantry Division walong kilometro ang layo mula sa erya.

Dalawa umanong mga sundalo ang iniulat na napatay ng sniper ng Mount Apo sub-regional committee buhat sa mga sundalo ng 8th IB, ayon pa kay Santiago.

Pero ang mga army naman sa North Cotabato ay di pa nakumpirma ang nasabing report kagabi. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento