Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP walang na monitor na election related incident sa North Cotabato ---PD Peralta


(Amas, Kidapawan City/ May 8, 2013) ---Sa kabila ng mga mga nagaganap na kriminalidad, maituturing pa rin ni Cotabato Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na mapayapa at maayos ang nagpapatuloy na kampanya ng mga lokal na kandidato sa Probinsiya.

Ito ang sinabi ng opisyal makaraang wala namang may namonitor na election related incident ang kanyang tanggapan.

Maliban lamang sa panibagong kaso ng nakawan ng motorsiklo sa Arakan, shooting incident sa Makilala at ang pinakahuli kagabi ay ang pagbaril patay sa isang sundalo na si 57th Infantry Battalion Staff Sergeant Jomar Desabilla, 42 na nakabase sa Camp Panacan ng Eastern Mindanao Command sa Davao City.

Dagdag pa sa report na sugatan naman ang dalawa pang kasama nito na sibilyan na sina Rudy Cacayurin at Wilson Pagayon kapwa residente ng Barangay Sarayan, Matalam.

Kaugnay nito, patuloy naman ang pag-iikot ng opisyal sa buong sulok ng laalwigan kungsaan nakadeploy na ngayon ang mga pulisya sa lahat ng mga polling precincts na natukoy na Commissions on Elections sa North Cotabato.

Aniya naging maayos naman ang ginawang testing at na-i-sealed na nila lahat ng mga PCOS Machine sa isinagawang testing kamakalawa.

Kaugnay nito, nakahanda naman ang buong pwersa ng pulisya at militar para sa gagawing eleksiyon sa lalawigan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento