Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CVO vs. MILF, 4 sugatan

Kabacan, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Sugatan ang apat katao makaraang magkasagupa ang Civilian Volunteer Organization (CVO) at Moro Islamic Liberation (MILF) sa boundary ng Brgy. Langayen, Pikit at Brgy. Dungguan, Aleosan, North Cotabato alas 4:00 kahapon ng hapon.

Sa impormasyong ipinadala ni Police Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP sa DXVL News kinilala ang CVO na nasugatan na si Rapani Saban nasa tamang edad residente brgy. Lingayen.

Pantawid pamilya sa Alamada, North Cotabato tumanggap ng tulong pangkabuhayan

(Alamada, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Tinanggap kahapon ng Pantawid Pamilya beneficiaries sa bayan ng Alamada, North Cotabato ang tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno.

Sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 ay abot sa P 1,350,000 na capital seed fund ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa nasabing bayan na nabibilang naman sa Self- Employment Assistance-Kaunlaran Associations o SKA.

20 Pamilya sa Carmen, NCot nagsilikas dahil sa landslide dala ng mga paglindol


 (Carmen, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Abot sa 20 mga pamilya na nasa road right of way sa bayan ng Carmen, Cotabato ang nagsilikas tuwing gabi buhat sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza delikado sa landslide ang kinalalagyan ng nasabing mga residente dahil sa mga bitak sa mismong harapan ng kanilang mga bahay resulta ng 5.7 magnitude na lindol at mga aftershocks nito.

Ayon sa opisyal, pinalilikas sa mas ligtas na lugar ang mga apektadong residente tuwing gabi.

Dating kawani ng gobyerno, tumba sa riding-in-tandem sa Kidapawan City

Photo Courtesy by: Carlo Agamon
(Kidapawan City/ June 7, 2013) ---Patay ang dating kawani ng gobyerno makaraang pagbabarilin sa ulo ng riding in tandem sa Kidapawan City alas 3:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepet Surigao, retired government employee residente ng Tahran subdivision, Kidapawan City.

Halal Foods industry, pinapalakas sa USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Tinututukan ngayon ng ilang mga researcher sa University of Southern Mindanao o USM ang pagpapalago ng halal industry.

Ito makaraang planu ngayon ng College of Human Ecology and Food Sciences (CHEFS) ang paglalagay ng Locally Process Halal Chevon sa Pamantasan.

Ang impormasyon ay nabatid mula kay Prof. Joenalyn Osano at Prof. Elma Sepelagio parehong guro sa nasabing kolehiyo.

Ang nasabing pag-aaral ay pinonduhan ng Philippine Council for Agriculture and resources research development o PCARRD kungsaan implementing agency ang USM.

Mga programa sa USM-CAS, niluluto na!

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Pinaghahandaan na ngayon ang iba’t-ibang mga programa ng College of Arts and Sciences, University of Southern Mindanao isang linggo makaraang nag-umpisa ang klase sa Pamantasan.

Batay sa mga nilulutong programa, isasagawa sa Hunyo 13 ang taunang CAS Convocation and Induction Program.

6 na BS accountancy students ng USM pasado sa katatapos na CPA Licensure Examination

(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Namayagpag ang anim na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao o USM makaraang makapasa sa katatapos na Certified Public Accountant Licensure Examination na ginanap noong nakaraang buwan ng Mayo.
Ang mga bagong CPA ng Pamantasan ay kinilala ni College of Business Development and Economic Management o CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino na sina Jessa May Jaylon, Gladys Mae Labiao, Emlan Lilangan, Van Ferolin Palacios, Marivic Reston at Charisse Angela Segocio.

Canal lining projects sa Libungan RIS patuloy na sinusubaybayan

(Midsayap, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Maliban sa mga magsasaka sa distrito uno ng lalawigan na nakabantay sa ginagawang rehabilitasyon sa ilang irrigation facilities sa lugar ay nakatutok din dito ang tanggapan ni House Committee on Food Security Vice- Chairperson at North Cotabato 1st District Rep. Jesus Sacdalan.

Sa report ni PPALMA news Correspondent Roderick Bautista, Tuloy- tuloy din ang pakikipag-ugnayan ng opisina ng opisyal sa National Irrigation Administration o NIA Region 12 upang masiguro na nasa maayos na pag-implementa ang natukoy na proyekto.

Dagdag na mga silid-aralan hiniling ng dalawang eskwelahan sa Alamada, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Bunsod ng malawakang pagpapatupad ng K to 12 program sa bansa at sa inaasahang pagdami ng mga mag-aaral ay gumagawa ng aksyon ang ilang public schools dito distrito uno ng North Cotabato.

Nais nilang iparating sa Department of Education o DepEd ang kakulangan ng mga silid aralan sa kanilang eskwelahan, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Granada natagpuan sa USM Main Campus

(Kabacan, North cotabato/ June 6, 2013) ---Isang MK2 fragmentation grenade ang narekober sa harap ng nagsisilbing bang house ng mga raliyesta malapit sa USM main gate, Kabacan, North Cotabato pasado alas 9:00 kagabi.

Sa report ng Kabacan PNP, isang security guard umano ang nakakita ng nasabing granada.

(Update) 7 dedo, 6 sugatan sa banggaan ng sasakyan sa Parang, Maguindanao

(Maguindanao/ June 5, 2013) ---Sumampa na ngayon sa pito katao ang nasawi habang anim ang sugatan makaraang masangkot ang AUV at 10 wheeler truck sa isang vehicular accident dakong alas 2:20 ng hapon kahapon sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Parang PNP Chief Senior Insp. Herry Gubat ang anim na SUGATAN na sina Umayna Sarip, 22-anyos, Arman Sarip, isang taong gulang, kapwa mga taga Malabang, Lanao del Sur; Ricardo

Enrolment ng USM Main campus, sumampa na sa higit 10 Libu

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2013) ---Abot na sa 10,598 ang naitalang enrolment ng University of Southern Mindanao Main campus as of June 4, 2013.
Ang impormasyon ay batay sa kalatas na ipinarating sa DXVL ni University Director for Instruction Dr. Lorna Valdez.

Muslim Community, magdiriwang ng Al Isra’ wal Miraj bukas

(Kabacan, North cotabato/ June 5, 2013) ---Nagpalabas ng isang Memorandum Order ang tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos mula sa Cotabato citypara sa lahat na ang June 6, 2013 bukas ay isang Muslim Holiday.
Ito'y bilang pagkilala sa pagdiriwang ng Lailatul Izra Wal Miraj o gabing paglalakbay at pag-akyat ni Propetang Mohammad o Al Isra’ wal Miraj sa ika-27th day ng buwan ng Rajab sa ika-pitong buwan ng Islamic Calendar kungsaan tumama ito sa araw ng Huwebes June 6.

4 Patay kabilang na ang 1 taong gulang na bata; 5 sugatan sa vehicular accident sa Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Patay ang apat katao kasama na ang isang taong gulang na bata habang sugatan naman ang abot sa lima katao makaraang masangkot sa isang vehicular accident ang mga ito sa Landasan, Maguindanao partikular sa labas ng Amir Bara Lidasan National High School alas 2:30 ngayong hapon lamang.

Bagamat walang pagkakakilanlan ang mga biktima dead on spot ang mga ito makaraang masangkot ang dalawang sasakyan sa nasabing aksidente.

Carmen, North Cotabato; isinailalim na sa State of Calamity

(Kabacan, North cotabato/ June 4, 2013) ---Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang bayan ng Carmen, North Cotabato dahil sa nilikhang pinsala ng 5.7 magnitude na lindol nitong nkalips na Sabado. 
Inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) Region 12 chief Roy Dorado patuloy ang isinasagawa nilang assessment at pag-iimbentaryo sa iba pang mga gusali at mga bahay na winasak ng lindol.

Tumubong bulkan sa bayan ng Carmen, walang katotohanan –Phivolcs

Walang katotohanan ang mga kumukalat na text messages na may bulkan umanong tumubo sa bahagi ng bayan ng Carmen, na yayanig anumang araw. 

Pinabulaanan ito ngayong umaga ni Engr. Hermie Daquipa ng Phivolcs Kidapawan Sub-Office sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Klase, sinuspende sa bayan ng Carmen; 9 na after shocks naramdaman sa North Cotabato kahapon; gusali naman sa USM administration building nag-crack

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Muli na namang niyanig ng sunod-sunod na lindol ang probinsiya ng North Cotabato kahapon.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS naitala sa kanilang data base ang siyam na pagyanig na nagsimula alas 4:08 ng madaling araw na may 5.7 magnitude, sinundan ito ng 4.0 magnitude alas 7:31 ng umaga kahapon, pag-patak ng alas 10:26 ng umaga muling inuga ang bayan ng Carmen ng 3.3 magnitude, ala 1:25 naitala ang 4.5 magnitude sa natura pa ring bayan.

Matagal na pasahod ng contractor; nirereklamo ng isang ginang

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Isang ginang ang dumulog sa DXVL Radyo ng bayan kahapon ng umaga para ireklamo ang matagal na pag-proseso ng bayad ng kanyang asawang trabahante ng VR Patron Builders Development ang contractor ng dalawang palapag na gusali na ipinapatayo sa harap ng CAS Building.

Ayon sa ginang na ayaw magpabanggit na pangalan noon pa umanong buwan ng Marso hanggang ngayon ay di pa nabigyan ng sahod ang kanyang asawa kasama ang ilan pang mga trabahante na kasama nito.

P59M, iniwang pinsala ng malakas na Lindol sa North Cotabato; ilang mga paaralan di ligtas na pasukan; 5.7 magnitude na lindol muling naitala

(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2013) ---“Kala ko katapusan na namin, napakalakas po talaga ng pagyanig at narinig po namin yung malakas na tunog buhat sa ilalim ng lupa”, ito ang pagsasalarawan ni Ginang Wilma Venerando ng brgy. Kimadzil, Carmen, North Cotabato ng tumama ang malakas na 5.7 na lindol alas 10:10 noong gabi ng Sabado.

Abot sa P59Milyon ang idinulot na pinsala ng nasabing lindol sa mga bayan ng apektado ng nasabing pagyanig partikular sa bayan ng Carmen, ayons a report ng Office of the Civil Defense o OCD region 12.