Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Matagal na pasahod ng contractor; nirereklamo ng isang ginang

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Isang ginang ang dumulog sa DXVL Radyo ng bayan kahapon ng umaga para ireklamo ang matagal na pag-proseso ng bayad ng kanyang asawang trabahante ng VR Patron Builders Development ang contractor ng dalawang palapag na gusali na ipinapatayo sa harap ng CAS Building.

Ayon sa ginang na ayaw magpabanggit na pangalan noon pa umanong buwan ng Marso hanggang ngayon ay di pa nabigyan ng sahod ang kanyang asawa kasama ang ilan pang mga trabahante na kasama nito.


Sa panayam ng DXVL News sa Cashiers’s office ng USM, matagal na umanong na-i-release ng USM sa nasabing contractor ang halaga ng pondo pero hanggang ngayon ay di pa rin naibigay sa mga trabahante.

Kaya labas na sa isyu ditto ang pamunuan ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao o USM.


Di rin umano nila ma-contact ang engineer ng VR Patron Builders Development ang may hawak ng tseke para pampasweldo sa mga trabahante ng nasabing i-kinontratang mga manggagawa.


Dagdag pa ng ginang na kailangan na umano nila ang nasabing pera bukod sa pampaaral ng kanilang mga anak ay dalawa pa sa mga ito ay kailangan nilang ipagamot dahil sa may deperensiya sa pag-iisip.


Wala pa rin umanong tugon ang engineer ng nasabing contractor sa nasabing problema. 


Sa ngayon, nais nang idulog ng Ginang na tubong Malanduage, Kabacan ang nasabing problema sa Departement of Labor and employment o DOLE Kidapawan para paimbestigahan ang matagal na pasahod ng VR Patron Builders Development. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento