Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Enrolment ng USM Main campus, sumampa na sa higit 10 Libu

(Kabacan, North Cotabato/ June 5, 2013) ---Abot na sa 10,598 ang naitalang enrolment ng University of Southern Mindanao Main campus as of June 4, 2013.
Ang impormasyon ay batay sa kalatas na ipinarating sa DXVL ni University Director for Instruction Dr. Lorna Valdez.

Ayon sa opisyal possible pang madagdagan ang nasabing bilang dahil hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa ang enrolment sa Pamantasan.
Una ng inireport kasi nitong nakaraang linggo na abot lamang sa tatlong libu ang mga estudyanteng nagpatala sa Pamantasan batay sa inisyal na impormasyong nakuha mula kay University Registrar Lucia Cabangbang.
Aniya bumaba umano ang nasabing bilang dahil sa nagdaang gusot na kinakaharap ng Pamantasan.
Ang USM, isa sa mga primyadong unibersidad sa Southern Philippines na nagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa larangan ng iba’t-ibang mga kursong bigay nito.
Mindanao Institute of Technology o MIT ang dati nitong pangalan na itinatag ni late Bai Hadja Fatima Matabay Plang na pormal na nagbukas noong October 1,1954 at naging University ito noong March 13, 1978 sa pamamagitan ng PD 1312.
Sa ngayon may kabuuang 1,024 na ektarayang sakop ang USM Main campus na nasa bayan ng Kabacan, North Cotabato, Arakan Valley Campus na may 4,091 hectares, USM-Kidapawan city Campus-14.97 hectares at karamihan ay ginagamit para sa agricultural projects. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento