(Kabacan, North Cotabato/ June 3, 2013) ---“Kala
ko katapusan na namin, napakalakas po talaga ng pagyanig at narinig po namin
yung malakas na tunog buhat sa ilalim ng lupa”, ito ang pagsasalarawan ni
Ginang Wilma Venerando ng brgy. Kimadzil, Carmen, North Cotabato ng tumama ang
malakas na 5.7 na lindol alas 10:10 noong gabi ng Sabado.
Abot sa P59Milyon ang idinulot na pinsala ng nasabing lindol sa
mga bayan ng apektado ng nasabing pagyanig partikular sa bayan ng Carmen, ayons
a report ng Office of the Civil Defense o OCD region 12.
Ayon sa report, apektado ng nasabing lindol ang dalawnag tuloy sa
Brgy. Kimadzil, Carmen na nagdudugtong sa probinsiya ng North Cotabato,
Bukidnon at Cagayan de Oro sa bahagi ng Northern Mindanao kungsaan tinatayang
abot sa P50M ang naatalang kasiraan sa nasabing tulay.
Bukod dito, 141 mga kabahayan naman sa mga brgy ng Kimadzil at
Kibudtungan sa nasabing bayan ang nasira kungsaan abot naman sa P2M ang
naitalang pinsala, ayon sa report ng OCD 12.
Pitong mga imprastraktura ang nasira, lima dito mga gusali ng
eskwelahan; Kimadzil Elementary School sa Barangay Kamadzil at Kibudtungan
National High School sa Barangay Kibudtungan na nagkabitak sanhi ng malakas na
lindol kungsaan abot sa P7M naman ang tinatayang pinsala sa nasabing gusali.
Ayon kay Brgy. Kibudtungan kagawad Jaime Sillador sa ngayon hindi
pa umano ligtas ang dalawang palapag na gusali ng Kibudtungan National High
School dahil sa mga malalaking bitak nito, bagamat di pa tuluyang bumagsak ang
nasabing building.
Hindi pa ligtas para sa limang daang mga estudyante ang nasabing
gusali, ayon sa Department of Education (DepEd) North Cotabato na bumisita sa
lugar kahapon.
Sinabi naman ni Liliongan Nationa High School Gloria Cantomayor na
ilang mga classroom naman sa kanilang paaralan ang nakitaan din ng mga
malalaking bitak dulot ng 5.7 na lindol.
Ayon sa punong guro, ang nangyaring lindol nitong Sabado ay
kakaiba sa nagdaang lindol na kanyang naranasan simula noong dekada nubenta.
Batay sa report ng OCD-12 anim katao ang nasugatan sa nasabing
lindol na kinilalang sina Ruel Labrador, 19; Rica Labrador, 8; Enecito
Labrador, 58; Roselyn Labrador, 13; Regin Labrador, 10; Clark Gabriel Ampalid,
5, lahat ay mga residente ng Sitio Sungayan, Barangay Kibudtungan.
Bagama’t di kasali sa listahan ang mag-asawang sina Wilma at
Venerando Abella ng Barangay Kamadzil nagtamo din ang mga ito ng gasgas at
nanatili lamang sila sa kanilang bahay dahil sa nararamdamang after shocks.
Sa kabila ng pagkalaglag ng mga debris ng semento ng kanilang
bahay sa mismong likod niya, naga wa pa niyang isalba ang kanyang dalawang anak
na na-trap sa isang kwarto ng kanilang bahay.
Ang bayan ng Carmen ang sentro ng epicenter ng 5.7 na magnitude na
lindol nitong gabi ng Sabado, ito ayon kay Philippine Institute for Volcanology
and Seismology (Phivolcs) Kidapawan Engineer Hermie Daquipa.
Ayon kay Daquipa naitala sa bayan ng Carmen ang intensity 5,
Kabacan at Matalam intensity 4 habang intensity 3 naman sa Kidapawan City,
Makilala, North Cotabato; Tampakan, South Cotabato habang intensity 2 naman sa
bayan ng Mlang, Tulunan, Camiguin at General Santos city.
Agad namang nawalan ng kuryente ang Kidaapwan city at bayan ng
Makilala.
Naramdaman din ang ilang pagyanig sa mga lungsod ng Davao,
Valencia, Cagayan de Oro, Tacurong at Zamboanga del Norte.
Batay sa Bulletin ng Phivolcs, niyanig din ng 3.2 magnitude na
lindol alas 9:04 kagabi at ang sentro ay sa cotabato city, alas 7:31 kagabi
niyanig ang bayan ng Carmen ng 3.7 na magnitude na lindol.
Alas 6:50 kagabi tumama rin sa bayan ng Carmen ang 3.9 na
magnitude ng lindol habang 4.3 na magnitude na lindol ang tumama sa bayan ng
Carmen alas 4:39 kahapon ng hapon.
Samantala, muling naitala ang 5.7 na magnitude na lindol kaninang
alas 4:08 ng madaling araw sa Carmen, North cotabato na may lalim na 3
kilometro na nasa 17 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Carmen.
Ayon sa Phivolcs na ipinarating na ulat sa Provincial government
ang sunod-sunod na pagyanig ay tectonic ang pinagmulan at hindi volcanic
taliwas sa mga ulat na may bulkan umano sa bayan ng Carmen. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento