(Alamada, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Tinanggap
kahapon ng Pantawid Pamilya beneficiaries sa bayan ng Alamada, North Cotabato
ang tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno.
Sa pangunguna ng Department of Social
Welfare and Development o DSWD 12 ay abot sa P 1,350,000 na capital seed fund
ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo sa nasabing bayan na nabibilang naman sa
Self- Employment Assistance-Kaunlaran Associations o SKA.
Kabilang dito ang mga sumusunod; Dry Creek
SKA- P200,000, MANAKABA SKA- P300,000, Aktibong Kababaihan ng Lipunan SKA-
P300,000, Rangayen SKA- P300,000, at Camansi Talipapa SKA- P250,000.
Una nang sumailalim ang mga benepisyaryo sa
Community Driven and Enterprise Development training na naglalayong magkaroon
ng kasanayan ang mga benepisyrayo sa pamamalakad ng kanilang napiling negosyo.
Nabatid na ipinamahagi ang kaparehong tulong pinansiyal sa
Pantawid Pamilya beneficiaries sa Pigcawayan nitong nakalipas lamang na buwan
upang makapagsimula din sila ng kanya-kanyang hanapbuhay.
Katuwang
ng DSWD sa pagpapatupad ng programa ang opisina ni Rep. Jesus N. Sacdalan sa
pamamagitan ng pagsusulong ng ‘Pangkabuhayan Para Sa Kapayapaan’ –Sustainable
Livelihood Program.
Nagmula
ang pondo sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng unang distrito ng
North Cotabato. (Roderick Bautiusta)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento