(Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Namayagpag
ang anim na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao o USM makaraang
makapasa sa katatapos na Certified Public Accountant Licensure Examination na
ginanap noong nakaraang buwan ng Mayo.
Ang mga bagong CPA ng Pamantasan ay kinilala ni
College of Business Development and Economic Management o CBDEM Dean Dr. Gloria
Gabronino na sina Jessa May Jaylon, Gladys Mae Labiao, Emlan Lilangan, Van
Ferolin Palacios, Marivic Reston at Charisse Angela Segocio.
Isinagawa ang nasabing eksaminsyon noong Mayo 19, 20,
26 at 28 sa mga lungsod ng Manila, Bagiuo, Cagayan de Oro, Cebu , Davao, Iloilo
at legazpi.
54.54% ang USM Passing rate samantala 27.41% naman ang
National Passing Rate.
Batay sa report ni DEVCOM Reporter Allan Matullano, si
Richard Saavedra mag-aaral ng Ateneo de davao University ang nanguna mula sa
1553 na nakapasa sa nasabing pagsusulit samantala ang De La Salle University-
Manila naman ang top performing school na may 96.36 passing rate.
Ang petsa at lugar kung saan gaganapin ang Oath taking
ceremony ay iaanunsyo pa lamang ayon sa Professional Regulation Commission.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento