Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) 7 dedo, 6 sugatan sa banggaan ng sasakyan sa Parang, Maguindanao

(Maguindanao/ June 5, 2013) ---Sumampa na ngayon sa pito katao ang nasawi habang anim ang sugatan makaraang masangkot ang AUV at 10 wheeler truck sa isang vehicular accident dakong alas 2:20 ng hapon kahapon sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Kinilala ni Parang PNP Chief Senior Insp. Herry Gubat ang anim na SUGATAN na sina Umayna Sarip, 22-anyos, Arman Sarip, isang taong gulang, kapwa mga taga Malabang, Lanao del Sur; Ricardo
Lopez 60-anyos na taga Cotabato City; Benjamin Macud 25-anyos; Amir Hussein Macud, apat na taong gulang at Baikan De Guzman, 24-anyos, taga Lebak, Sultan Kudarat.

Kinilala naman ang apat sa mga nasawi na sina Mubarac Marocom, ang driver ng Innova; Noralyn Radia; Aminudin Radia at Umenta Macud.

Ayon sa report ng pulisya, hindi pa rin kilala ang tatlong iba pang nasawi dahil wala pang mga kamag-anak na kumukuha sa mga bangkay nito na nasa morgue pa rin ng Cotabato Regional and Medical Center.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad gling umano sa Simuay, Sultan Kudarat ang 10-wheeler truck na minamaneho ni Felix Gaslang at tinatahak ang kahabaan ng Parang, Maguindanao habang ang TOYOTA innova ay mula naman sa Malabang, Lanao del Sur at patungo sana sa Cotabato City.

Sa report, sinubukan pang mag-preno ni Gaslang nang makitang papalapit na ang toyota innova ngunit sumalpok na ito sa truck.

Nangyari ang insidente sa tapat ng Amir Bara Lidasan National High School, nasa 300 hanggang 400 metro mula sa pinangyarihan ng isa ring vehicular accident noong Marso na kumitil sa buhay ng SIYAM katao at nag-iwan ng 21 SUGATAN matapos magsalpukan ang isang pampasaherong van at dumptruck. (Rhoderick Beñez/ 09494939462)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento