Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

20 Pamilya sa Carmen, NCot nagsilikas dahil sa landslide dala ng mga paglindol


 (Carmen, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Abot sa 20 mga pamilya na nasa road right of way sa bayan ng Carmen, Cotabato ang nagsilikas tuwing gabi buhat sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza delikado sa landslide ang kinalalagyan ng nasabing mga residente dahil sa mga bitak sa mismong harapan ng kanilang mga bahay resulta ng 5.7 magnitude na lindol at mga aftershocks nito.

Ayon sa opisyal, pinalilikas sa mas ligtas na lugar ang mga apektadong residente tuwing gabi.


Kaugnay nito, hinahanapan na ngayon ng relocation site ng Local Government Unit (LGU) ng Carmen ang mga nabanggit para pansamantalang tutuluyan ng mga ito.

Sinabi ni Mendoza na dapat ay maisama 20 mga pamilya sa mga binigyan ng tulong ng gobyerno na apektado ng landslide.

Samantala, batay sa pinakahuling report ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs kahapon naramdman angmga aftershocks: 3.7 magnitude na lindol ala 1:50 kahapon ng madaling araw.

Sinundan ito ng 4.6 magnitude na lindol alas 3:00 ng madaling araw kahapon na may lalim na isang kilometro lamang.

Habang alas 6:10 tumama naman ang after shock na may 3.5 magnitude na pagyanig at sinundan ito ng 3.3 na pag-uga ng lupa dakong alas 4:22 ng hapon kahapon lahat sa bayan ng Carmen ang sentro ay tectonic ang pinagmulan. 

Pinakahuli kagabi ay 3.8 Magnitude na lindol at may lalim na apat na kilometro kungsaan naramdman ang intensity 2 sa Carmen at Bayan ng Matalam. (Rhoderick Beñez)

 Photo Courtesy: Carlo Agamon

0 comments:

Mag-post ng isang Komento