Walang katotohanan ang mga kumukalat na text
messages na may bulkan umanong tumubo sa bahagi ng bayan ng Carmen, na yayanig
anumang araw.
Pinabulaanan ito ngayong umaga ni Engr. Hermie Daquipa ng
Phivolcs Kidapawan Sub-Office sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya ang mga
nangyayaring lindol ay likha ng paggalaw ng lupa o tectonic plate ng mga
nag-uumpugang mga bato sa ilalim ng lupa dahilan ng paglindol.
Sinabi nitong
natural lamang na makakaranas ng maraming after shocks dahil sa paggalaw ng
fault line, ayon pa sa opisyal.
Abot sa 164 ang naitla nitong fter shocks
simula ng tumama ang 5.7 na lindol noong gabi ng Sabado kungsaan 11 dito ay
naramdamangmga pagyanig ng tao, dagdag pa ni Daquipa. (Rhoderick Beñez)
DXVL Staff
...
Tumubong bulkan sa bayan ng Carmen, walang katotohanan –Phivolcs
Lunes, Hunyo 03, 2013
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento