(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Tinututukan ngayon ng ilang mga researcher sa University of Southern Mindanao o USM ang pagpapalago ng halal industry.
Ito makaraang planu ngayon ng College of
Human Ecology and Food Sciences (CHEFS) ang paglalagay ng Locally Process Halal
Chevon sa Pamantasan.
Ang impormasyon ay nabatid mula kay Prof.
Joenalyn Osano at Prof. Elma Sepelagio parehong guro sa nasabing kolehiyo.
Ang nasabing pag-aaral ay pinonduhan ng
Philippine Council for Agriculture and resources research development o PCARRD
kungsaan implementing agency ang USM.
Anila, nagkaroon na ng international travel
ang mga taong kasama sa pag-aaral na ito sa University of Chulalongkorn sa
Thailand sa isinagawang benchmark ng halal science center nito at sa halal
abator naman o slaughter house at isang halal food processing plant sa Brunei.
Ayon pa kay Osano ang nabanggit na travel sa
dalawang bansa ay bahagi umano sa kanilang Research study. (Rhoderick Beñez
with report from Joie Estoya)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento