(Midsayap, North Cotabato/ June 6, 2013) ---Maliban sa mga magsasaka sa
distrito uno ng lalawigan na nakabantay sa ginagawang rehabilitasyon sa ilang
irrigation facilities sa lugar ay nakatutok din dito ang tanggapan ni House
Committee on Food Security Vice- Chairperson at North Cotabato 1st
District Rep. Jesus Sacdalan.
Sa report ni PPALMA news Correspondent Roderick Bautista, Tuloy- tuloy
din ang pakikipag-ugnayan ng opisina ng opisyal sa National Irrigation
Administration o NIA Region 12 upang masiguro na nasa maayos na pag-implementa
ang natukoy na proyekto.
Sinabi ni 1st Congressional District Office Infrastructure
Focal Person Engr. Jerry Pieldad na puspusan ngayon ang pagsubaybay ng
tanggapan sa lahat ng ginagawang concreting of canal lining projects lalung-
lalo na sa service area ng Libungan River Irrigation System o Libungan RIS.
Dagdag ni Engr. Pieldad, dapat lamang masiguro at ma-monitor na nasa
takdang oras ang nagagawang accomplishment ng mga nagpapatupad ng proyekto bago
abutan ng nakatakdang pagbubukas ng patubig sa susunod na buwan.
Nabatid na inaasahang maibabalik ang serbisyo ng Libugan RIS ngayong
darating na Hulyo.
Una nang inihayag ni LibRIS Irrigation Superintendent Engr. Rory Avance
na kung sakaling may ilang bahagi ng canal lining projects na hindi natapos
bago mag a-1 ng Hulyo ay hindi nila ikokompromiso ang napagkasunduang araw ng
pagpapakawala ng tubig sa mga pangunahing kanal ng LibRIS.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento