(Kabacan, North cotabato/ June
4, 2013) ---Isinailalim na kahapon sa state of calamity ang bayan ng Carmen,
North Cotabato dahil sa nilikhang pinsala ng 5.7 magnitude na lindol nitong
nkalips na Sabado.
Inihayag ni Office of Civil Defense (OCD) Region 12 chief Roy Dorado patuloy ang isinasagawa nilang assessment at pag-iimbentaryo sa iba
pang mga gusali at mga bahay na winasak ng lindol.
Bukod sa mga bahay, ilang mga establisyemento ay
naapektuhan at humina rin ang pundasyon ng ilang mga paaralan.
Inaasahan naman
ng OCD Region 12 na tataas pa ang halaga ng pinsala ng lindol mula sa inisyal
na P56-M sa sandaling makumpleto na ang assessment sa lahat ng mga
imprastrakturang winasak ng lindol.
Sa kasalukuyan ay binabalot pa rin ng takot
ang mga residente dahilan sa pagtama ng lindol na pumin¬sala sa kanilang mga
kabahayan at ari-arian sa naturang bayan.
Pansamantala namang nanuluyan ang mga
apek¬tadong pamilya sa Brgy. Hall matapos na magtamo ng pinsala ang kanilang
mga tahanan pero ang ilang residente ay bumabalik sa kanilang mga bahay tuwing
umaga.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento