Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Muslim Community, magdiriwang ng Al Isra’ wal Miraj bukas

(Kabacan, North cotabato/ June 5, 2013) ---Nagpalabas ng isang Memorandum Order ang tanggapan ng National Commission on Muslim Filipinos mula sa Cotabato citypara sa lahat na ang June 6, 2013 bukas ay isang Muslim Holiday.
Ito'y bilang pagkilala sa pagdiriwang ng Lailatul Izra Wal Miraj o gabing paglalakbay at pag-akyat ni Propetang Mohammad o Al Isra’ wal Miraj sa ika-27th day ng buwan ng Rajab sa ika-pitong buwan ng Islamic Calendar kungsaan tumama ito sa araw ng Huwebes June 6.


Sa nasabing memorandum na nilagdaan ni NCMF OIC-Regional Director Mama Arba, Al Haj  nakasaad na base sa Presidential Decree No. 1083 ng Civil Service Commission Resolution No 81-1277 ay inoobserba ang nasabing Muslim Holidays sa mga laalwigan ng Basilan, Lanao del Norte, Lanao del sur, Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-tawi, Zambonga del Norte at Zamboanga del Sur at sa mga lungsod ng Cotabato, Marawi, Pagadian at Zamboanga. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento