Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating kawani ng gobyerno, tumba sa riding-in-tandem sa Kidapawan City

Photo Courtesy by: Carlo Agamon
(Kidapawan City/ June 7, 2013) ---Patay ang dating kawani ng gobyerno makaraang pagbabarilin sa ulo ng riding in tandem sa Kidapawan City alas 3:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepet Surigao, retired government employee residente ng Tahran subdivision, Kidapawan City.

Ayon sa Kidapawan City PNP, minamaneho ni Surigao ang kanyang Honda motorcycle at binabaybay ang kahabaan ng national highway – particular sa harap ng Mediatrix of All Grace cathedral, nang tabihan ng mga suspect na sakay din ng motorsiklo at barilin nang walang kaabug-abog.

Sa ulo tinamaan ang biktim na agara nitong ikinamatay.
      
Base sa na-recover na mga basyo ng bala, kalibre .45 na pistola ang ginamit sa pamamaril.
      
Wala pang malinaw na motibo ang mga imbestigador sa pagpatay kay Surigo.
      
Si Surigao ang pangalawa sa biktima ng riding-in-tandem sa Kidapawan City, simula buwan ng Abril.
      
Ang una ay noong ikalawang linggo ng Abril kung saan ang biktima ay binaril at pinatay sa kahabaan ng Datu Ingkal St.(Rhoderick Beñez/09494939462)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento