Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CVO vs. MILF, 4 sugatan

Kabacan, North Cotabato/ June 7, 2013) ---Sugatan ang apat katao makaraang magkasagupa ang Civilian Volunteer Organization (CVO) at Moro Islamic Liberation (MILF) sa boundary ng Brgy. Langayen, Pikit at Brgy. Dungguan, Aleosan, North Cotabato alas 4:00 kahapon ng hapon.

Sa impormasyong ipinadala ni Police Chief Inspector Jordine Maribojo, hepe ng Pikit PNP sa DXVL News kinilala ang CVO na nasugatan na si Rapani Saban nasa tamang edad residente brgy. Lingayen.



Habang tatlo naman sa panig ng MILF ang napaulat na nasugatan na patuloy pang kinukumpirma ng pulis opisyal sa phone interview.

Sinabi ni 7th Infantry Battalion Philippine Army commanding officer Col. Donald Gumiran na nagpang-abot umano ang mga CVO at miyembro ng 105th Base Command ng MILF na pinangungunahan nina Kumander Kuyo at Kumander Nasser nabanggit na hangganan.

Tumagal ng mahigit sa dalawang oras ang palitan ng putok ng magkabilang panig gamit ang matataas na uri ng armas.

Maraming mga sibilyan din ang nagsilikas patungo sa mga ligtas na lugar sa takot na maipit sa kaguluhan.

Sinabi ni Maribojo na humupa ang sagupaan nang dumating ang GPH-MILF Ceasefire Committee at International Monitoring Team (IMT) kasama sina Aleosan Mayor Loreto Cabaya at Pikit Mayor Sumulong Sultan.

Land conflict ang itinuturong dahilan sa nasabing girian ngmga armadong pamilya. (Rhoderick Beñez/09494939462)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento