(Esperanza, Sultan Kudarat/ July 13, 2015)
---Kalaboso ang 39-anyos na adik na sinasabing gumahasa sa babaeng vendor at
isa pang menor-de-edad matapos itong masakote sa isinagawang hot pursuit
operation sa Purok Liwayway, Brgy. Poblacion sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat
noong Biyernes ng hapon.
Pormal na kinasuhan ni P/Senior Insp. Eisbon
Llamasares, OIC ng Esperanza PNP ang suspek na si Bong Mejia. Sa police report
na isinumite ni P/Insp. Tirso Pascual, lumilitaw na ikinulong ng suspek sa
kanyang bahay ang mga biktima noong Martes ng Hunyo 7.
Puwersahan din pinagamit
ng illegal na droga ang mga biktima bago gahasain ng suspek.
Ginawa nitong sex
slave ang dalawa mula Hulyo 7 hanggang Hulyo 10 kung saan nakatakas ang mga
biktima kaya nasakote ang suspek sa kanyang bahay.
Sa ngayon, naghihimas ng malamig na rehas
bakal ang suspek habang nasa kustodiya naman ng Women’s Children and Protection
Desk o WCPD ng PNP ang mga biktima. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento