Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BFP ARMM, pinabulaanan ang umano’y paghihingi ng lagay sa mga gustong pumasok sa bilang kasapi ng pamatay apoy

(Cotabato City/ June 12, 2014) ---Pinabulaanan ni Director Warlito Dauz ng BFP ARMM ang umanoy paghihingi ng cash na 150,000 pesos sa bawat aplikante na nag aaply sa nasabing tanggapan.

Itoy matapos ang kumakalat na text messages tungkol sa nasabing issue.

Kinumpirma naman ni Dauz na meron talagang hiring ang Bureau of Fire Protection sa buong bansa.

Peru nilinaw nito na walang panghihingi ng anumang kapalit sa mga aplikante dahil sumusunod sila sa proseso na kung ikaw ay qualified sa posisyon ay dumadaan muna sa isang qualifying exam na isinasagawa ng national office ng BFP.

Binigyang diin din nito na hindi ang taga ARMM ang magsasagawa ng checking sa mga aplikante kundi computerized ng BFP national at kasama na ang mga papel sa buong bansa.

Samantala, sa ARMM abot sa 300 mga aplikante at 195 nito ang nakapasa na sa medical test. Krezel Dianne Sampani



0 comments:

Mag-post ng isang Komento