Written by: Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (June 11) – Tinatayang abot sa isang daang taon na ang mga lumang istruktura
na kalahok sa Search for Centennial Edifice and Heirlooms na natatanging
patimpalak kaugnay ng 100th founding anniversary ng Cotabato.
Ayon kay Joselito
Parreñas ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato at focal person ng Search for
Centennial Edifice and Heirlooms, ang mga ito ay ang isa sa mga gusali ng
Midsayap Pilot Elementary School sa Brgy. Poblacion, Midsayap Cotabato at ang
tinatawag na Balay o Home of Magpeteños na matatagpuan sa municipal hall ng
Magpet, Cotabato.
Sinabi ni Parreñas
na bilang mga official entries ng search, kasalukuyang sumasailalim sa initial
validation at verification ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato technical
working group ang naturang mga edifice o lumang istruktura upang mapatunayang
ang mga ito ay naitayo halos isang-daang taon na ang nakalilipas o higit pa.
Sinabi rin ni
Parreñas na nakipag-ugnayan na ang SP Cotabato sa National Historical
Commission (NHC) upang magpadala ng kanilang representante sa Midsayap at
Magpet at magsagawa ng final verification at validation ng mga entries.
Kailangan ng
masusing pagsusuri mula sa NHC bago maideklara ang sinumang magwawagi sa
patimpalak.
Tatanggap ng P50,000
cash prize ang magwawagi sa Search for Centennial Edifice and Heirloom, ayon pa
kay Parreñas.
Ayon naman kay Cot.
Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, layon ng search na mabigyan ng
kaukulang pansin at paggalang ang mga istruktura na naitayo sa Cotabato
province sa loob ng isang daang taon.
Naging bahagi na raw
ito ng kasaysayan ng lalawigan kaya’t nararapat lang na itampok ang mga ito sa
pagdiriwang ng centennial ng Cotabato.
Samantala, sinabi ni
Parreñas na itinakda ng SP Cotabato ngayong araw ang deadline ng submission of
entries ng Search for Centennial Edifice and Heirlooms.
Pero sinabi rin nito
na kapag may mga humabol pa at magpapatala ng kanilang entries ay pagbibigyan
naman ang mga ito upang makasali.
Sa Sept. 1, 2014 o
sa mismong araw ng ika-100 taon ng Cotabato ihahayag ang mananalo sa search. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento