(North Cotabato/ June 11, 2013) ---Positibo ang
pananaw ng mga opisyal na malaki ang maitulong ng ASEAN Integration sa 2015
upang mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na lalawigan sa Mindanao.
Ito ay isa sa mga tinalakay sa isinagawang
1st Mindanao Social Business Summit sa Bukidnoon noong June 4 hanggang 6.
Napag-alaman na sa Top 16 na pinakamahirap
na lalawigan sa Pilipinas ngayong 2014, sampu sa mga lalawigan na ito ay mula
sa Mindanao.
Kabilang na dito ay ang Lanao del Norte,
Maguindanao, Zamboanga del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Camiguin, Sulu, at
tatlong lalawigan mula sa Rehiyon 12 na kinabibilangan ng Saranggani, North
Cotabato at Sultan Kudarat.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng problema sa
kahirapan sa nasabing mga lalawigan ay ang nangyayaring kaguluhan dito.
Samantala, apat na lalawigan lamang mula sa
Visayas ang napasama sa listahan at ito ay ang Negros Oriental, West Samar,
Eastern Samar at Northern Samar.
Habang dalawa lamang mula sa Luzon at ito ay
Apayao at Masbate.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento