(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Tiniyak
ng pamunuan ng Kabacan Water District o KWD na walang naka-ambang pagtaas sa
singil ng tubig sa kasalukuyan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni KWD General
Manager Ferdie Mar Balungay.
Aniya, nitong nakaraang Abril ay may
nilulutong dagdag singil sana ang Kabacan Water District pero napag-usapan ng
Board of Directors ng KWD na hangga’t maaari ay kakayanin muna ng Water
District na hindi muna magtaas sa rate ng tubig.
Noon pa umanong taong 2006 nang huling
nagpatupad ng increase sa singil ng tubig ang Kabacan Water District.
Sa ngayon, maituturing pa rin na ang KWD ang
isa sa mga water district sa Mindanao na may pinakamababang rate sa water bill.
Sinabi ni GM Balungay na umaabot lamang sa
P15.70 ang bawat cubic meter ng kanilang tubig at ang minimum rate na
binabayaran ng bawat water concessionaire ay nasa P157.00 lamang.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang expansion
ng Kabacan Water District partikular na sa mga malalayong barangay na hindi pa
naabot ng serbisyo ng Water District. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento