Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Int’l Conference at Interreligious Dialogue sa Cotabato city matagumpay na idinaos, MAHIGIT 400 DELEGADO MULA SA ABROAD dumalo

(Cotabato city/ June 10, 2014) ---Matagumpay na natapos ang kauna unahang international conference at inter religious dialogue sa Notre Dame University sa Cotabato City noong biyernes at Sabado.

Ayon kay NDU President Fr. Eduardo Tanud-tanud, nabuo ang nabanggit na pagtitipon sa tulong ng Archdioces of Cotabato sa pangunguna ni Orlando Cardinal Quevedo,Community de San Isidio,  Mohamadia ng Indonesia, European Union, at Italian Government.

Naroon din ang presensya ng governors ng ARMM, Maguindanao, North Cotabato, top leaders ng MILF gayundin sa panig ng pamahalaan.

Mahigit 400 delegates naman mula sa abroad ang dumalo, dagdag ni Fr. Tanud-tanud.

Ang nasabing aktibidad ay ang pagpapahayag ng karanasan ng iba’t- ibang leaders bago pa nakamit ang development sa pagkamit ng kapayapaan dito sa Mindanao.

Nabuo ang nabanggit na dayalogo matapos ang signing ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Samantala sa pakikipanayam naman kay Cotabato City Vice MAyor Abdula binigyang diin nito ang ang mga posibleng matatanggap at matatamo ng mga kabataan sakaling maipatutupad na ang bangsamoro entity sa aspeto ng edukasyon.

Bukas naman daw sa non moro leaders ang nasabing opisyal sakaling tatakbo ang mga ito upang mamahala at maging bahagi sa BAngsamoro Government.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Cotabato City Vice Mayor Abdullah andang na 100% yes vote ang buong Cotabato City sa inclusion ng lungsod sa itatag na Bangsamoro entity.

Una ng naibalita  na mapapabilang ang kasulukuyang area ng ARMM sa itatag na Bangsamoro entity maging ang munispyo ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at  Tangkal sa rehiyon ng Lanao del Norte. 


Ilang baranggay rinsa munispyo ng Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, at Midsayap sa North Cotabato. Krezel Dianne Sampani

0 comments:

Mag-post ng isang Komento