(Kidapawan City/ June 12, 2014) ---Idudulog
ni Kidaapwan City Mayor Joseph Evangelista ang nangyaring problema sa Sitio
Nazareth, Amas, Kidapawan City sa gagawing Provincial Peace and Order Council
Meeting ngayong araw.
Ito ayon kay City Disaster Risk Reduction
and Management Officer Psalmer Bernalte sa panayam sa kanya ng DXVL News.
Aniya, bagama’t nagbuo na ng crisis
management committee ang city LGU mahaba-haba pa umanong usapin ang nasabing
sigalot sa nasabing lugar.
Kasabay ng pagkakabuo ng crisis management
committee ay binuo rin nila ang Sitio Nazareth Local Peace Monitoring team.
Layon nito na mapahinto ang tensiyon sa
lugar at masigurong makabalik sa kanilang tahanan ang mahigit sa 500 mga
residente na naapektuhan ng gusot ng dalawang pangkat ng armadong grupo na
nag-aaway.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Bernalte na
wag kulayan ng away ng mga kristiyano at muslim ang nangyaring engkwentro sa
Sitio Nazareth bagkus ito ay labanan ng dalawang grupo ng mga magsasaka na
kapwa nagnanais na angkinin ang malawak na lupain ng Central Mindanao
Integrated Agricultural Research Center (CEMIARC) ng Department of Agriculture.
Samantala kinilala naman ni Police S/Supt
Danilo Peralta, provincial director ng North Cotabato PNP ang mga napaslang sa
nagyaring engkwentro na sina Nonoy Kalugmaton , Ramboy Balimba at Barangay
Peace Keeping Action team member na si Bonny Vicente habang sugatan naman ang
rumesponding mga pulis na sina SP01 Edwin Maglate at Police Inspector Randy
Apostol. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento