Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

116th Araw ng Kalayaan, ipinagdiriwang sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang pagdiriwang ng ika-116  na taong anibersaryo ng araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Municipal Plaza ng bayan ng Kabacan ngayong umaga.

Sa report ni LGU Information Officer Ka-unlad Sarah Jane Guerrero naging panauhing pandangal at tagapagsalita ditosi Dr. Leonora Manera ng University of Southern Mindanao.


Dumalo  naman sa nasabing okasyon ang ilan pang mga lokalna opisyal ng Kabacan at mga kawani ng LGU Kabacan, mga guro buhat sa iba’t-ibang pampublikong paaralan sa bayan at iba pang mga sector.

Tema ng nasabing selebrasiyon ngayong taon ay: “Pagsunod sa Yapak ng mga Dakilang Pilipino, tungo sa Malawakan at Permanenteng Pagbabago”. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento