Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

University of Southern Mindanao pasok sa top 10 Agriculturist licensure examination

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2014) ---Pasok sa ika-anim na pwesto ang graduate ng University of Southern Mindanao sa katatapos na Agriculturist Licensure Examination na inilabas ng Professional regulation Commission o PRC alas 11:00 kagabi.

Ayon sa pamunuan ng College of Agriculture-USM nakuha ni Elorde Crispolon Jr. ang ika-anim na ranggo sa kungsaan kapwa nag-tie ang dalawang estudyante mula sa Cavite state University na may 85.67%.

Napag alamang 1,808 ang nakapasa buhat sa 5,022 na kumuha ngnasabing eksaminasyon.
Samantala ang USM ay may national passing rate na 36%, 50.31% naman ang rating na pumasa na mga first taker sa nasabing pamantasan.

Si Crispolon ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science of Agriculture Major in Entomology.

Bukod sa kanya, nasa ikalawang pwesto rin si Julius Jerome Ele na nagtapos sa University of the Philippines at kasalukuyang nagtuturo sa USM kasama din nito si Geoffrey Atok.

Patunay lamang na ang USM ay patuloy na namamayagpag sa pagbibigay ng kalidad na edukasyon hindi lamang sa larangan ng agrikultura kundi maging globally competitive. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento