Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tree growing festival gagawin sa Pigcawayan ngayong araw

Written by: JIMMY STA. CRUZ

PIGCAWAYAN, Cotabato (May 13) – Gaganapin ngayong araw sa Mt. Akit-Akir, Barangay Kimarayag, Pigcawayan, Cotabato ang Tree Growing Festival kaugnay ng pagdiriwang ng centennial ng lalawigan ng Cotabato.

Abot sa 5,000 na mga mahogany, apitong at lawaan seedlings ang itatanim sa lugar kung saan tinatayang may 1,000 partisipanteng boluntaryong magtatanim sa Mt. Akir-Akir.

Ito ang sinabi ni Russel Villorente, Tourism Officer II ng Public Affairs Assistance Tourism and Sports Development Division(PAATSDD) na nasa ilalim ng Provincial Governor’s Office.

Ayon kay Villorente, layunin ng Tree Growing Festival na may temang “Pagbubuklod Ngayong Sentenaryo: Maftanim Puno ay Buhay…Pagyamanin” na makapagtanim ng maraming puno sa Mt. Akir Akir bilang kontribusyon sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon naman kay Cot. Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, isang malaking karangalan para sa mga Cotabateños na lumahok sa natatanging aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng Cotabato province.

Gagawin sa 3 distrito ng Cotabato ang naturang tree growing festival. Pagkatapos ng Pigcawayan o sa 1st district, susunod na ang Lake Malingling sa Barangay Ganatan, Arakan, Cotabato o sa 2nd district kung saan target na makapagtanim ng 5,000 tuway tree seedlings.

Pagkatapos ng Arakan ay gagawin naman ang aktibidad sa Kulaman Watershed Area, sa Barangay Pisan, malapit lamang sa tanyag na Pisan Caves o sa 3rd district kung saan target na makapagtanim ng 1,500 na mga narra at lawaan tree seedlings.

Alas kuwatro kaninang umaga ay nagtipon-tipon na ang mga volunteers para sa tree growing festival sa pangunguna ng PAATSDD ng provincial government of Cotabato.

Partner ng provincial govt. ang mga LGU ng Pigcawayan at Midsayap sa aktibidad kasama ang maraming miyembro ng academe, non-government organizations, business at civic groups at iba pa mula sa 1st district ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento