Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Advocacy on Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, isinagawa sa bayan ng Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Bagama’t malamig pa sa ngayon ang ilang mga mambabatas partikular na ang kongreso hinggil sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law, umaasa naman ang ilang mga residente ng bayan ng Pikit na mapabilis ito bago ang Presidential at National elections sa 2016.

Malaki ang paniniwala ni Pikit Mayor Muhyryn Sultan Casi na matutultukan ng nasabing Batas ang matagal ng kaguluhan sa Mindanao sakaling maipasa na ang BBL.

Aniya, nais din nito ang katahimikan, kapayapaan at kaunlaran sa lugar upang matamasa ng mga susunod na henerasyon ang nasabing magandang resulta ng BBL.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa harap ng libu-libong mamamayan ng Pikit at mga opisyal ng bayan sa ginawang Advocacy on Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na may temang “One Understanding, One Direction, One government”.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Pikit Central Elementary School sa bayan ng Pikit nitong Sabado.

Kinatigan din ni Liga ng mga barangay Pres. at Board member Dulia Sultan ang nasabing pahayag kungsaan iginiit nito na suportahan ang Bangsamoro Basic Law sa pamamagitan ng gagawing plebisito.

Matatandaan na 11 mga barangay sa bayan ng Pikit ang bumuto ng yes noong 2001 plebiscite.
Samantala Naging pangunahing tagapagsalita dito si 1st Vice Chairman for Political Affairs Ghadzali Jaafar.

Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Jaafar kung paanu nabuo ang nasabing comprehensive Agreement na sinimulan ng mga miyembro ng Central committee ng MILF.

Aniya, labing anim na taon din ang itinagal ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyerno at MILF, ayon kay Jaafar dumaan din sila sa tatlong malalaking giyera sa Mindanao na nagresulta ng pagkasira ng tiwala nila sa gubyerno.

Pero sa kabila nito at sa tulong ng OPPAP, Malaysia ay kanilang inupuan ito at muling ibinalik sa negotiating table ang nasabing usapin.


Aniya, may mga probisyon sa BBL na dapat ay dapat ay konkreto at malinaw kagaya ng power sharing at government service kung paanu ito maavail ng mga nasa labas ng bangsamoro government. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento