(Pikit, North Cotabato/ June 11, 2014) ---Patay
ang 25-anyos na mister makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek sa
bisinidad ng brgy. Gli-gli, Pikit, Cotabato alas 6:20 kahapon ng umaga.
Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan ang
biktima na si Roland Rama Limos residente ng brgy. Ladtingan ng nasabing bayan.
Sinasabing sakay ang biktima sa kanyang
motorsiklo buhat sa Poblacion ng Pikit pauwi sa kanilang bahay at pagdating sa
nasabing lugar ay bigla na lamang dinikitan ng dalawang kalalakihan lulan ng
motorsiklo at binaril ang biktima sa likod.
Agad namang dinala sa Cruzado Medical Clinic
and Hospital ang biktima pero inilipat din sa isang ospital sa Midsayap
kungsaan doon na binawian ng buhay habang ginagamot.
Tumakas naman ang suspek sakay sa walang
plakang motorsiklo sa di malamang direksiyon.
Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre
.45 na pistol na ginamit sa nasabing pamamaril.
Personal grudge ang isa sa mga sinisilip na
anggulo ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng Pikit PNP. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento