Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dinukot na pinay sa Malaysia,naka-uwi na sa kanilang bahay sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ June 9, 2014) ---Nakalaya na mula sa kamay ng kanyang mga abductors ang pinay na dinukot sa Semporna, Malaysia at pinalaya ng Abu Sayyaf group (ASG) sa Jolo, Sulu kungsaan dumating ang biktima sa kanyang tahanan alas 7:00 kagabi sa Midsayap, North cotabato.

Kinilala ang biktima na si Marcelita Dayawan-Tamalla, 40, at residente ng Brgy Agriculture, Midsayap, North Cotabato.


Taos pusong nagpapasalamat ang pamilya nito sa Panginoon dahil dininig ang kanilang dasal na ito'y mapalaya at makauwi sa kanilang tahanan.

Nagpasalamat naman ang biktima sa mga taong tumulong para siya ay mapalaya mula sa kamay ng ASG kasama ang Chinese national.

Magugunitang dinukot si Dayawan at Gao Hua Yuan, 29, noong Abril 2, 2014 sa Singamata Adventures and Reef Resort, isang floating resort na malapit sa Semporna.

Makalipas ang 58 araw sa kamay ng bandidong ASG, hindi inakala ng mga ito na sila ay makakalaya pa.

Samantala kanya rin pinasalamatan si North Cotabato Governor Emmylou Talino- Mendoza sa tulong na kanyang ibinigay sa biktima. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento