(Kidapawan city/ June 9, 2014) ---Tatlo ang
nasawi habang dalawang mga pulis ang nasugatan sa nangyaring engkwentro ng
dalawang pangkat ng armadong grupo sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan city
nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ni Police Senior Supt. Danilo
Peralta, Provincial Director ng Cotabato Police ang mga nasawi na sina Aurelio Calugmatan,
36 anyos at Ramboy Balimba, 17-anyos kapwa residente ng Sitio Nazareth habang
napaslang naman ang kasapi ng Barangay Peace Keeping Action Team na si Bonie
Vicente sa kasagsagan ng sagupaan.
Samantala, sugatan ang mga rumesponding mga
pulis na sina PInsp. Randy Apostol at SPO1 Edwin Maguate.
Sa impormasyong ipinarating ni PSI Jojet
Nicolas, CPPO Spokesperson na inatake umano ng mahigit sa 100 mga armadong
grupo buhat sa brgy. Patadon ang mga settlers ng Sitio Nazareth dahilan kung
bakit nagkaroon ng palitan ng putok sa magkabilang panig.
Nang mamagitan ang mga pulis sa nasabing
engkwentro ay pinaputukan ang mga ito ng pangkat ng armadong grupo na galing sa
Patadon dahilan ng pagkamatay ng BPAT at pagkasugat ng dalawang mga pulis.
Sa tulong ni MILF Local Monitoring Team
Jabib Guiabar ay kanyang pinaki-usapan ang dalawang grupona mag-ceasefire upang
hindi na madagdagan ang pagdanak ng dugo dahil lamang sa lupang pinag-aagawan
na pag-mamay-ari ng gobyerno.
Agad namang binuo ni Cotabato Gov. Emmylou
“Lala” TaliñoMendoza at ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang Crisis Committee
na tutugon sa nasabing girian.
Kaugnay nito, isasagawa ngayong araw ang
Joint Ceasefire Monitoring Post upang pag-usapan ang solusyon sa nasabing
girian.
Away lupa ang sinasabing ugat ng labanan ng
dalawang grupo sa lupang pag-mamay-ari ng gobyerno na matagal ng inaangkin din
ng dalawang ng dalawang mga settlers, ito ang malawak na lupain ng Central
Mindanao Integrated Agricultural Research Center (CEMIARC) ng Department of
Agriculture. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento