Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Chief of Police ng Mlang, ni-relieve sa pwesto

(Amas, Kidapawan City/ June 10, 2014) ---Kinumpirma ng pamunuan ng Cotabato Police Provincial Police Office na ni-relieved sa puwesto ang chief of police ng Mlang PNP na si PSI Sunny Leoncito.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Jojet Nicolas ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na noon pang Hunyo a-6 ibinaba ang order para i-relieve ang nasabing pulis opisyal.

Batay sa ulat, nagwala at nambugbog umano ang nasabing Chief of Police at kanya pa umanong pinaputukan ang kasamang pulis dahil sa di umano pagtupad ng kanyang tungkulin.

Itinanggi naman ni Leoncito ang nasabing paratang at aniya ay paglalambing lamang nito sa kanyang tauhan.

Dahil dito, agad namang naghain ng reklamo ang tauhan ng COP na si P02 Dayondon sa Internal Affairs Division bagay namang sinibak pansamantala ang mataas na opisyal ng PNP.

Ito ayon kay Nicolas para mabiyan ng patas na imbestigasyon ang dalawa.

Sa susunod na linggo kanila namang ilalabas ang resulta ng pagsisiyasat.

Posibleng kasong administratibo ang kakaharapin ng hepe.

Sa ngayon pinalitan ni PSI Joan Ressurecion bilang Officer in-Charge ang sinibak na Chief of Police ng Mlang PNP. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento