DXVL (The Morning News)
November 16, 2011
Pagsabog na naganap sa Carmen, Cotabato “isolated case” at walang kinalaman ang 55th Founding Anniversary ng bayan –ayon sa pulisya
Itinuturing ni Chief Insp. Jordine Maribojo ang hepe ng Carmen PNP na isang ‘isolated case’ ang naganap na pagsabog at walang kinalaman sa ginanap na 55thfounding anniversary ng Carmen, kahapon.
Sa kabila ng pagsabog ng granada kamakalawa ng gabi, tuloy pa rin ang selebrasyon sa Carmen, ayon sa mga opisyal ng LGU.
Sinimulan kahapon alas-9 ng umaga sa municipal gym ng Carmen ang culmination activity.
Kung maalala, isa ang patay habang 22 iba pa ang sugatan nang sumabog ang isang granada sa isang peryahan sa Poblacion, alas-10:45 nitong gabi ng Lunes.
Kinilala ang nasawi na si Joseph Tumeldin na nanonood ng cara y cruz sa perya no'ng mga oras na 'yun. Isinugod siya sa Kabacan Medical Specialist Center sa bayan ng Kabacan pero makalipas ang ilang sandali ay binawian din ng buhay.
Ayon kay Chief Inspector Maribojo, inihagis ang granada sa bubong ng bahay ng isang nagngangalang Lolita na malapit sa peryahan at bumagsak sa nagkaka-cara y cruz. Sinabi ng pulisya na posibleng personal grudge ang motibo sa pagpapasabog. Isa umano sa mga sugatan ay kamag-anak ng target ng suspect.
Gayunman, tumanggi si Maribojo na kilalanin ang suspect at kung alin sa mga sugatan ang target ng pagsabog.
Naganap ang pagsabog isang araw bago ang ika-55 na founding anniversary ng bayan ng Carmen.
SA mga sugatan, 11 rito nasa kritikal ang kondisyon, ayon sa mga staff ng North Cotabato Provincial Hospital.
Ang pinaka-kritikal sa mga ito, ayon sa report, ay si Jessie Miano na tinamaan sa kanang mata, at ang batang si Delvert Gerodias na tinamaan sa sikmura.
Si Gerodias ay sumailalim sa maselang operasyon ala-una ng umaga, kahapon.
Si Jessie Miano ay patitingnan sa isang ophthalmologist dahil may pangamba ang mga staff ng ospital na kung ‘di ito sasaillaim sa operasyon sa mata ay posible siya’ng mabulag.
Ang iba pang mga sugatan sa pagsabog sa peryahan sa Carmen, North Cotabato ay kinilalang sina –
3. Felipe Repe
4. Rey Jack Sanoy
5. Renato Ortiz
6. Juan Panes
7. Cesar Ruba
8. Ereneo Pontongan
9. Norma Pontongan
10. Properio Asis
11. Tomas Ondoy.
Nasa out-patient department naman sina –
12. Ronald Aquino
13. Warlito Lorenzo
14. Baldo Balde
15. Hilario Rebunsa
16. Elwel Kho
17. Ibrahim Ismael
18. Kayog Zacaria
19. Wenna Miano
20. Jackielyn Tomeldin
21. Jane Jawud.
Matagumpay namang idinaos ang kapiestahan ng bayan ng Carmen kahapon.
Ang Carmen na binubuo ng 38 barangay ay dating barangay ng bayan ng Kabacan. Naging isa ito’ng bayan 55 taon na ang nakalilipas sa bisa ng executive order na inisyu noon ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.