DXVL (The Morning News) November 15, 2011
NUJP nakatutok sa mga panganib at banta sa trabaho ng mamahayag sa Central Mindanao
Bagama’t aminado ang ilang mga media practitioners sa lalawigan ng North Cotabato na mapanganib ang profession na kanilang pinasok, tiwala naman ang mga ito na may malaking papel na ginagampanan ang media sa lipunan.
Kaugnay nito, tinututukan ngayon ng National Union of Journalist of the Philippines o NUJP ang mga kahalintulad na kaso at mga pagbabanta sa buhay.
Sa isang Risk-mapping Workshop ng NUJP kahapon na ginanap sa Kidapawan city, dito tinukoy ni NUJP-Mindanao Media Safety Officer JB Deveza ang mga reports at isyu na nalalagay sa panganib ang buhay ng isang mamamahayag.
Ayon sa mga media practitioners kabilang sa mga reports na ito ay ang pag-cocover nila sa illegal na gawain katulad ng illegal gambling, illegal drugs, kotong at iba pa.
Para naman kay Atty. Al Calica, Kidapawan City Prosecutor nakahanda naman umano ng DOJ na tumulong sa mga media sakaling may kinakaharap na mga pagbanta sa buhay ang mga ito.
Sinabi pa ng opisyal na sa Central Mindanao apat na kaso ngayon ang kanilang tinututukan kasama ang NUJP, isa na dito ang kaso ng isang broadcaster na binaril sa Kabacan.
Nabatid mula kay Deveza, na ang Pilipinas ang pumapangalawa sa Iraq sa mga tinatawag na deadliest country para sa mga Journalist.
Batay sa report na naitala ng NUJP, abot sa 146 ang mga media killings na kanilang naitala mula 1986, 78 dito mula sa Mindanao kabilang na ang 32 na pinaslang sa Ampatuan Massacre.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento