Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DXVL (The Morning News)                                                                           November 17, 2011

University-wide forum on Philippine Education System cum budget cut; isasagawa ngayong umaga

Pangungunahan ni Bayan Muna Representative Teddy Casiño kaagapay ang Student Alliance for Genuine National Democracy o (STAND) ang gagawing University Wide Forum on Philippine Education System cum budget cut ngayong umaga dito sa University of Southern Mindanao na isasagawa sa University Gymnasium.

Ayon sa tagapagsalita ng AnakBayan-Kabacan na si Darwin Rey Morante ang nasabing forum ay naglalayong talakayin ang kasalukuyang hinaharap na budget cut ng mga state run Universities and Colleges at isa na ditto ang USM.

Ito umano ay dahil sa pag-iwan ng kasalukuyang pamahalaang nasyunal sa pagsuporta sa edukasyon kungsaan napapabayaan at nasasakripisyo ang kalidad ng edukasyon dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno, giit pa ni Morante.

Isa na ditto ang zero capital outlay na natatanggap ng mga Pamantasan at kabilang na ditto ang USM.

Kaugnay nito, nananawagan ang mga militante at progresibong kabataan sa mga mag-aaral at guro ng USM na dumalo sa forum alas 8:00 hanggang alas 11:00 ngayong umaga na gaganapin dito sa loob ng Pamantasan.(RB ng Bayan)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento