DXVL (The Morning News) November 17, 2011
Kampanya versus malaria pinaiigting sa North Cotabato
NGAYONG Nobyembre, isinusulong ng Department of Health o DoH ang 4Ms bilang paraan ng pagsugpo sa malaria – isang sakit na dala ng lamok.
Ang una sa 4Ms ay ang MAGKULAMBO; pangalawa, MAGPA-EKSAMIN NG DUGO; pangatlo, Ito ang MAGPATUBOG sa ginagamit na kulambo o mosquitero;
Ayon kay Elvie Dominicata, cluster head sa Fight Against Malaria Project ng Integrated Provincial Health Office sa North Cotabato, dahil sa subsob na kampanya ng DoH kontra malaria, bumaba ng halos 82 porsiento ang dami ng tao’ng tinamaan ng naturang sakit, nito’ng taong ito.
Kung noong 2010, abot sa 64 ang malaria cases, ngayong taon, abot na lamang ito sa labing-walo. Ang bayan ng Carmen ang may pinakamarami’ng kaso ng malaria, ayon kay Dominicata.
Ang mga kaso ng malaria ay na-monitor sa mga barangay ng Bentangan at Lintangan.
Sa buong Region 12, bumaba rin ang bilang ng malaria sa 87 porsiento.
Kung noon, abot sa 694 ang kaso ng malaria, sa ngayon, abot na lang ito sa 124. Ang lalawigan ng Sultan Kudarat ang nananatiling may pinakamaraming kaso ng malaria.
Tatlo ang sintomas ng malaria: mataas na lagnat; matinding panginginig ng buong katawan; at tuluy-tuloy na pagpapawis. Kapag may ganito’ng sintomas na kayo’ng nararamdaman, payo ni Domnicata, ay pumunta na sa rural health clinic at magpasuri sa inyong dugo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento