Binatilyo patay makaraang mahulog sa Puno ng Mangga sa Pikit, Cotabato
Patay ang isang 19-anyos na binatilyo makaraang mahulog ito sa Puno ng Mangga kahapon dakong alas 9:30 ng umaga sa Brgy. Punol, Pikit, cotabato.
Sa report ng Pikit PNP, kinilala ang biktima na si Satar Masanting estudyante ng Silik National High School ng nabanggit na bayan.
Batay sa salaysay ng kanyang magulang na nakilalang si Sitie Masanting sa himpilan ng Pulisya aksidente daw umanong nahulog ang anak nito ng madulos sa sanga ng Mangga habang nag-aani ito.
Mabilis namang isinugod ang biktima sa Cruzado Medical Center subalit ideneklara na ito ngmga attending physician na dead on arrival.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento