DXVL (The Morning News)
November 16, 2011
Ika-pitong annibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre; gugunitain ng mga progresibong at militanteng grupo ng mga Kabataan sa North Cotabato
Makikiisa ang progresibong grupo ng mga kabataan ng Kabacan, North Cotabato sapag-alala sa isang malagim na pangyayari sa kasaysayan ng masang api—ang marahas na Hacienda Luisita Massacre noongi ka 16 ngNobyembre taong 2004.
Sa paggunita ng ikapitong anibersaryo ng masaker ngayong araw, magsasagawa ng serye ng pagsindi ng kandila ang mga progresibong grupong mga kabataan bilang pag-alala at bilang panawagan para sa makatarungang hustisya sa mga martir ng Hacienda Luisita at ang pagkamit sa tunay na repormang agraryo.
Ayon sa tagapagsalita ng AnakBayan North Cotabato chapter Darwin Rey Morante, mahigit kalahating siglo na ang tunggalianga graryo sa Hacienda Luisita ngunit di parin nakakamit ng mga magsasaka’t manggagawang-bukid ang kanilang pangarap na maipamahagi sa kanila ang lupang pinaglaanan nila ng kanilang pawis at dugo.
Pahayag rin ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Greater Cotabato head secretariat Jenifer Cardo, na ang labanang Hacienda Luisita ay di lamang laban ng mga magsasaka’t manggagawang-bukid. Kundi laban din ito ng mga mamamayang Pilipino sa sistemang pyudal na isa sa mga balakid sa pag-unlad ng ating bansa.
Pinaliwanag naman ni League of Filipino Students (LFS)-Kabacan Abdulrahman Malabana, na mas masahol pa sa naganap namasaker ang pagkakait parin ng pamilya Cojuangco-Aquino ng karapatan sa lupa sa libo-libong magsasaka’t manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita.
Dagdag pa ni Leah Joy Pasion ng LFS-Kabacan, kaya naman ng estado na ibigay ang katarungang panlipunan sa mga masang pinagkaitan ng bunga ng kanilang lakas paggawa gamit ang kapangyarihan nito.
Iginiit naman ni Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) head Julie John Cadiente na tanging tunay na reporma ng agraryo lamang ang kikitil sa mala-kamay na bakal na pagkontrol ng mga panginoong may lupa sa mga malalaking lupaing tulad ng Luisita.
Nananawagan ang progresibong grupo ng mga kabataan na sanay maging tapat ang pangulong PNOY sapag papatupad sa interes ng mamamayang kanyang piniling maging kapangalan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento