Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DXVL (The Morning News)
November 14, 2011

Pag-uuling sa isang brgy. Sa bayan ng Kabacan, ipinagbabawal na

Iginiit ngayon ng mga lokal na mambabatas ng bayan ang ordinansang pagbabawal sa produksiyon at paggawa ng uling sa brgy Pisan, Kabacan, Cotabato.

Ito ang sinabi kamakailan ni Vice Mayor Policronio Dulay dahil sa talamak na pag-uuling sa lugar at ang napipintong pagka-ubos ng mga kahoy sa erya na siyang pangunahing dahilan ng soil erosion at landslide  kung di ito mapipigilan.

Ang brgy. Pisan kasi ang isa sa pinakamalaking source ng uling sa bayan, ayon sa report.

Ang ordinance #:3 series of 2011 ay naglalayon din na maiwasan ang pagkalbo at pagka-ubos ng mga punong kahoy sa nabanggit na lugar.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento