DXVL (The Morning News) November 15, 2011
Sanggol itinapon sa isang abandonadong lugar sa Pblacion, Kabacan, namatay na sa ospital
Buhay pa ng makita ng isang residente na di nagpakilala ang isang sanggol na itinapon sa isang abandonadong lote sa Poblacion ng Kabacan, Cotabato, bandang alas-4 ng hapon, noong Linggo.
Agad isinugod ang sanggol ng nakakita sa may North Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City.
Pero bandang alas-930 ng gabi noong araw ding iyon, binawian ng buhay ang sanggol, ayon kay Dr. Eva Rabaya, ang chief of clinics ng provincial hospital.
Nagkaroon umano ng ‘respiratory distress’ ang sanggol kaya ito namatay.
Pero ang sanggol ay wala pa raw sa ‘full term’ nito.
Katunayan, kahit ito ay 26 na linggo pa lang sa sinapupunan ng ina ay sapilitan ito’ng iniluwal at itinapon sa isang tagong lugar dito sa Poblacion ng Kabacan.
Ang sanggol ay binigyan nila ng code na “Baby Boy: 11-13” dahil ito ay noong Nov 13 inihatid sa kanilang ospital. Posibleng sa araw ding iyon isinilang ang sanggol, ayon kay Dr. Rabaya,
Ang nais ng management ng North Cotabato Provincial Hospital na mabigyan ito ng disenteng libing.
Alas-9:30 kagabi 24 na oras ng patay ang sanggol kaya marapat na lamang na ilibing ng nasabing ospital si “Baby Boy: 11-13” dahil din a ito binalikan ng residenteng nakakita sa kanya.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento