Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DXVL (The Morning News)
November 16, 2011

3 araw na Multi-Area Post-World Food Day 2011 pormal ng magsisimula ngayong umaga

Sa pamamagitan ng temang “Isulong!  Pagpaparami ng abot kaya, sapat, ligtas at masustansyang pagkain para sa lahat.”  pormal ng bubuksan ngayong umaga ang tatlong araw na Multi-Area Post World Food Day Celebration and Forum dito sa University od Southern Mindanao na magsisimula ngayong alas 8:00 ng umaga.

Kabilang sa magiging highlight sa gagawing pagbubukas ng programa ang signing of the renewed Task Force Food Sovereignty o TFFS-Memorandum of Understanding between USM & IRDF; and statement of Collaborative Understanding among TFFS-Mindanao Members.

Isa sa magiging panauhing pandangal ng naturang forum si Mayor George Tan, Dr. Naomi Tangonan Vice President for Research & Extension ng USM, ngayong umaga.

Ang layon ng gagawing forum na ito ay upang bigyan ng mga bagong mga kaalaman ang mga myembro ng task force food sovereignty o TFFS Mindanao, hinggil sa organic farming kasama na ang mga government organization at mga Non-Government organizations LGU’s mga magsasaka at iba pang mga stakeholders.

Ayon kay Ms. Khadiguia Ontok-Gonzaga, faculty ng College of Arts and sciences nabatid na kabilang sa mga tatalakayin sa forum ang mga advantages at disadvantages ng paggamit ng Genetically Modified Organism o GMO, ligtas na pagsasaka gamit ang organic farming at iba pa.

Kabilang sa mga magbibigay ng mensahe sa pagbubukas ng programa ngayong araw ay sina Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, 2nd district congresswoman Nancy Catamco, USM Pres. Dr, Jess Derije at Ms., Arze Glipo, Executive director ng IRDF at lead convenor ng Asia Pacific Network for Food Sovereignty. 


0 comments:

Mag-post ng isang Komento