Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbuo ng Ad Hoc Committee, inirekomenda ng SB para tumutok sa kaso ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2014) ---Inirekomenda ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang pagbubuo ng Ad Hoc Committee upang tumutok sa kaso ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio.

Ito ang isa sa mga napag-usapan sa isinagawang Committee of the Whole meeting kungsaan si Councilor Jonathan Tabara ang naging presiding officer.

Apela ng KULTODA na gawing P7.00 na flat rate ang pamasahe ng mga estudyante, PWD’s at Senior Citizen, ibinasura ng SB

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2014) ---Tuluyan ng ibinasura ng Sangguniang Bayan ang apela ng Kabacan Unity Lines Tricycle and Operators Drivers Association (KULTODA) na gawing flat rate ang pamasahe ng mga estudyante, may mga kapansanan at Senior Citizen.

Ayon kay KULTODA President Jeffrey Pedtamanan na dahil sa humihina na ang serkulasyon ng bente singko at dyes sentabos kaya nagdudulot ito ng kahirapan sa pagsukli sa kanilang mga pasahero at magdudulot pa umano ng di pagkakaunawaan ng mga pasahero at draybers.

Pag-atake ng BIFF sa ilang lugar sa North Cotabato, posibleng may kinalaman sa pagpapasa ng BBL

(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2014) ---Malaki ang paniniwala ni Lt. Col. Roberto Huet, ang Commanding Officer ng 40th Infantry Battalion ng Philippine Army na posibleng may kinalaman sa pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law o BBL ang motibo sa ginawang pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa magkahiwalay na lugar sa Midsayap.

Ito ang sinabi ng opisyal sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kasabay ng pagtitiyak na hindi naman maaapektuhan ang gumagandang kasunduan sa usapang pangkapayapaan ng MILF at ng gobyerno.

(update) Pagkamatay ng tatlong Bata na dahil umano sa tigdas sa Kabacan, hindi pa kumpirmado!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2014) ---Nilinaw ng Rural Health Unit ng Kabacan, na hindi pa kumpirmado kung talagang Tigdas nga ang ikinamatay ng tatlong batang naiulat na namatay sa Barangay Pisan dito sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Kabacan Rural Health Unit Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon, hinihintay pa nila ang resulta kung talagang tigdas nga ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima sa naturang Barangay.

Bayan ng Kabacan, sasali sa tangkang pagsungkit ng Guinness World Record na MOST NUMBER OF TREES PLANTED in an HOUR

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2014) ---Gagawin ang Greening Activity ng Mindanao Development Authority (MinDA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pinamagatang “TreeVolution: Greening MindaNOW”  na naglalayong masungkit ang Guinness World Record para sa MOST NUMBER OF TREES PLANTED sa loob lamang ng isang oras ngayong darating na September 26, 2014 kung saan kasali ang bayan ng Kabacan.

Layon ng aktibidad na makapagtanim ng 4,636,000 trees sa magkakaibang lokasyon sa Mindanao na may kabuoang sukat na 9,200 hectars.

Pamamahagi ng school Supplies ng DXVL team bukas, nakahanda na

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2014) ---Kasado na ang gagawing distribution ng school supplies ng DXVL Kool FM bukas sa Kilagasan Elementary School ng Barangay Kilagasan, Kabacan Cotabato.

Mahigit sa 600 mga estudyante ang mababahaginan ng libreng school supplies ng naturang paaralan na proceeds ng fun run for a cause ng stasyon na bahagi ng kanilang ika walong taong annibersaryo na pinamagatang “Takbo para sa Batang Kabakenyo” noong July 17, 2014.

P3.6M na ari-arian, sinunog

(Tacurong City, Sultan Kudarat/ September 11, 2014) ---Tinatayang aabot sa P3.6 milyong halaga ng mga heavy equipment  ang sinunog ng mga armadong grupo matapos salakayin ang compound ng construction company  sa Purok Ramos, Barangay Upper Katungal, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. 

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City PNP, nakasakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek na responsable sa pagsunog ng mga heavy equipment kabilang na ang dumptruck at backhoe na pagmamay-ari ng JY Construction.

Unang Distrito nakikipag-ugnayan na sa DSWD XII upang makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng baha sa Midsayap, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 11, 2014) ---Nakikipag-ugnayan na ang tanggapan ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Regional Office XII sa Koronadal City upang makapaghatid ng tulong sa mga biktima ng pagbaha sa Midsayap sa lalawigan ng North Cotabato.

Ito ay bilang tugon sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Midsayap na mabigyan ng assistance ang mga biktima ng pagbaha sanhi ng malakas na ulan sa nakalipas na mga araw.

22-anyos na lalaki, nahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ September 9, 2014) ---Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng isang 22-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa inilunsad na "kapkap bakal" sa Quezon Boulevard partikular sa harap ng Kidapawan city Sports Complex pasado alas 7:00 nang umaga kahapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP ang suspek na si Rex Mendoza Pason, 22 anyos, residente ng Barangay San Vicente, Makilala, North Cotabato.

Sangguniang Bayan ng Kabacan, hindi pa nakapag-sumite ng resulta hinggil sa ginawang pag-imbestiga sa pagkamatay ni Irah Palencia Gelacio

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2014) ---Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapag-sumite ang Sangguniang Bayan ng Kabacan ng kanilang ginawang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio.

Sa panayam kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ng DXVL News hinihintay pa nito ang resulta ng meeting of the Whole ng SB kaugnay sa pag-imbestiga in aide of Legislation upang alamin ang dahilan ng pagkamatay ni Irah.

Mga barangay na binaha sa bayan ng Kabacan, nabigyan na ng tulong

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2014) ---Matapos na maisailalim sa state of calamity ang bayan ng Kabacan noong Miyerkules ng nakaraang linggo. 

Nakapagpalabas na ng pondo ang LGU Kabacan mula sa Disaster Fund upang magamit sa pagbibigay ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa bayan ng Kabacan.

3 mga bata, patay makaraang tamaan ng tigdas sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, Cotabato/ September 9, 2014) ---Tatlo katao ang naiulat na namatay makaraang tamaan ng sakit na tigdas sa dalawang magkahiwalay na Sitios ng Brgy. Pisan, Kabacan.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Brgy. Pisan Secretary Corazon Antonio. 

Kinilala ang mga biktima na sina Angel Heart Adim, Precious Miles Adim, magkapatid na nakatira sa Purok Cueva at isang di pa kilalang bata na nakatira sa Purok Kalimudan Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato.

19-anyos na lalaki, panibagong biktima ng pamamaril sa Cotabato City

(Cotabato City/ September 8, 2014) ---Patuloy ngayon ang paghahanap ng mga otoridad sa suspek matapos pagbabarilin  ang isang 19 anyos na lalaki sa kahabaan ng Don Gonzalo Javier Street Rosary Heights 7, Cotabato City.

Kinilala ng City Police Station 2 ang biktima na si Tata Lim Sacandal, at residente ng Bagua uno ng lungsod.

Brgy. Kagawad at 8 mga kasama pa nito, pinagbabaril sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ September 8, 2014) ---Pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan ang brgy. Kagawad kasama ang walong mga tauhan nito sa bahagi ng Purok 4, brgy. Estado ng Matalam, Cotabato alas 8:00 ng gabi nitong Sabado.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Kagawad Florencio Pepito kasama ang mga phinante nito.

Mga proyekto sa ilalim ng PAMANA- Sustainable Livelihood Program itinurn- over sa Alamada, North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 10, 2014) ---Pinangunahan ng Department of Social and Welfare and Development o DSWD and pamamahagi ng mga proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan Sustainable Livelihood Program o PAMANA- SLP ngayong araw sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Abot sa labimpitong barangay sa nabanggit na bayan ang benipisyaryo ng programa kung saan tinatayang 5.1 milyong piso ang kabuuang halaga ng mga ipinamahaging proyekto tulad ng mini warehouses, solar driers at post harvest facilities.

119 bilanggo sa Cotabato sasailalim sa EJOW II

AMAS, Kidapawan City (Sep 10) – Abot sa 119 na mga inmates o bilanggo sa Cotabato na may kinakaharap na iba’t-ibang kaso ang sasailalim sa Enhanced Justice on Wheels Part 2 o EJOW II na gaganapin sa Provincial Capitol gymnasium sa Sep. 25, 2014.

Ito ang napag-alaman mula kay Hon. Judge Lily Lydia A. Laquindanum, ang Over-all Co-Chairperson ng programang EJOW II sa 2nd coordination meeting sa Capitol Rooftop kahapon.

Ayon kay Hon. Judge Laquidanum, abot sa 119 inmates ang lilitisin sa ilalim ng EJOW II at ang mga ito ay nag-qualify o nakapasa sa mechanics ng naturang programa.

USM may 12 na bagong mga Veterinarians


(USM, Kabacan, Cotabato/ September 8, 2014) ---May bago ng 12 mga beterenaryo ang University of Southern Mindanao matapos na makapasa ang mga ito sa katatapos na Veterinary Licensure Examination na isinagawa nitong Setyembre  2-4, 2014 sa Cagayan de Oro City  at ilan pang testing center sa Pilipinas.

CVM Dean Dr. Emerlie Okit
Ayon kay USM College of Veterinary Medicine Dean Dr. Emerlie Okit nakakuha ang USM CVM ng 48% overall percentage kung saan mas mataas ito kesa sa National Passing Percentage na 33.33%.

Nabatid na 12 sa 25 na mga takers ang nakapasa sa naturang examinasyon mula sa USM.