(Kabacan, North Cotabato/ September 12,
2014) ---Inirekomenda ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang pagbubuo ng Ad Hoc
Committee upang tumutok sa kaso ni Ka-kunektadong Irah Palencia Gelacio.
Ito ang isa sa mga napag-usapan sa
isinagawang Committee of the Whole meeting kungsaan si Councilor Jonathan
Tabara ang naging presiding officer.
Ang nasabing committee hearing ay isinagawa
nito pang July 14 ng kasalukuyang taon pero nabalam ito dahil sa maraming
aktibidad sa Pamahalaang Lokal at Probinsiya kaya nakabinbin pa rin ang
nasabing Committee report.
Sa regular na session kahapon ay pormal ng
tinanggap ang nasabing committee report at nakasaad doon ang pagrekomenda kay
Mayor Herlo Guzman Jr., na magbuo ng ad hoc committee para mag-imbestiga sa
dahilan ng pagkamatay ni Irah.
Nais din ng committee on health, Sanitation
and Nutrition na imbitahan ang pamilya Gelacio para linawin sa konseho kung
magsasampa ba ng reklamo ang mga ito o hindi.
Ito makaraang nakasaad kasi sa sulat reklamo
ng pamilya Gelacio na ayaw nilang magsampa ng kaso pero nais nilang
paimbestigahan in aide of legislation at mabigyan ng kaukulang parusa kung may
makitang pagkakamali sa mga attendant ni Irah habang ito ay nanganganak sa
Lying In ng RHU Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento