Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sangguniang Bayan ng Kabacan, hindi pa nakapag-sumite ng resulta hinggil sa ginawang pag-imbestiga sa pagkamatay ni Irah Palencia Gelacio

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2014) ---Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapag-sumite ang Sangguniang Bayan ng Kabacan ng kanilang ginawang imbestigasyon kaugnay sa pagkamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio.

Sa panayam kay Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ng DXVL News hinihintay pa nito ang resulta ng meeting of the Whole ng SB kaugnay sa pag-imbestiga in aide of Legislation upang alamin ang dahilan ng pagkamatay ni Irah.

Pero hanggang ngayon, wala pang naipasa ang konseho ng Kabacan sa Mayor’s Office kung anu na ang resulta ng kanilang imbestigasyon bagay namang di makapagbigay ngayon ng status ng kaso si Mayor Guzman sa Pamilya Gelacio.

Dismayado na rin ang Pamilya Gelacio sa mabagal na tugon ng SB kasama na dito ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa kabila ng may naipaabot na pormal na sulat reklamo ang pamilya Gelacio sa mismong tanggapan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan mismong si Municipal Administrator Ben Guzman ang tumanggap nito.

Eksaktong 73 araw na ngayon ng pumanaw si Irah.

Nabatid na si Irah ay binawian ng buhay noong June 29 alas 12:30 ng madaling araw sa San Pedro Hospital matapos na di na nito kinaya pa ang komplikasyong kanyang dinaramdam makaraang manganak sa Lying In ng RHU Kabacan at naubusan ng dugo. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento