Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P3.6M na ari-arian, sinunog

(Tacurong City, Sultan Kudarat/ September 11, 2014) ---Tinatayang aabot sa P3.6 milyong halaga ng mga heavy equipment  ang sinunog ng mga armadong grupo matapos salakayin ang compound ng construction company  sa Purok Ramos, Barangay Upper Katungal, Tacurong City, Sultan Kudarat kamakalawa ng gabi. 

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Junie Buenacosa, hepe ng Tacurong City PNP, nakasakay ng tatlong motorsiklo ang mga suspek na responsable sa pagsunog ng mga heavy equipment kabilang na ang dumptruck at backhoe na pagmamay-ari ng JY Construction.
Naniniwala naman si Buenacosa na posibleng may kaugnayan sa extortion ang isa sa motibo ng mga suspek sa ginawang panununog ng mga ari-arian.

Kasalukuyang inaalam pa ng pulisya kung nakatanggap ng extortion letter ang may-ari ng nasabing construction company. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento