(Matalam, North Cotabato/ September 8, 2014) ---Pinagbabaril
ng mga armadong kalalakihan ang brgy. Kagawad kasama ang walong mga tauhan nito
sa bahagi ng Purok 4, brgy. Estado ng Matalam, Cotabato alas 8:00 ng gabi
nitong Sabado.
Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan
Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Kagawad Florencio Pepito
kasama ang mga phinante nito.
Ayon sa report, galing sa sakahan ng pamilya Pepito ang
mga biktima at magluluwas sana ng mga Gemilina logs ng pagbabarilin ang mga ito
ng mga di pa nakilalang armadong grupo.
Wala namang may nasawo o nasaktan sa insidente maliban
lamang sa naging tensyunado ang lugar.
Pinaniniwalaang land conflict ang isa sa mga motibo sa
nasabing pangyayari.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga
otoridad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento