(Kidapawan City/ September 9, 2014) ---Kasong
paglabag sa Republic Act 9165 ang kakaharapin ng isang 22-anyos na lalaki
makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa
inilunsad na "kapkap bakal" sa Quezon Boulevard partikular sa harap
ng Kidapawan city Sports Complex pasado alas 7:00 nang umaga kahapon.
Kinilala ng Kidapawan City PNP ang suspek na
si Rex Mendoza Pason, 22 anyos, residente ng Barangay San Vicente, Makilala,
North Cotabato.
Narekober ng mga pulis kay Pason, nakita ang
isang sachet ng shabu at marijuana sa karton ng sabon na dala nito.
Sa ngayon ay nasa lock-up cell na ng
Kidapawan city PNP si Pason at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa
Republic Act 9165. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento