Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga barangay na binaha sa bayan ng Kabacan, nabigyan na ng tulong

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2014) ---Matapos na maisailalim sa state of calamity ang bayan ng Kabacan noong Miyerkules ng nakaraang linggo. 

Nakapagpalabas na ng pondo ang LGU Kabacan mula sa Disaster Fund upang magamit sa pagbibigay ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng baha sa bayan ng Kabacan.

Ayon sa MSWDO Kabacan, nabahaginan na ng relief goods ang mga pamilyang naapaktuhan ng baha sa Barangay Salapungan, Pedtad, Nangaan, Lower Paatan, Kilagasan at Cuyapon.

Sa Barangay Kayaga naman ay nabigyan na rin na tulong maliban lamang sa Purok Kibales at Lumayong. Kasali sa mga ipinamahaging relief goods ang bigas, noodles, sardinas at 3 in 1 na kape.


Hinihintay na rin ngayon ang master list ng Barangay Magatos at Poblacion upang mabigyan ang mga residente naapektuhan ng pagbabaha, dagdag pa ng MSWDO. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento