AMAS,
Kidapawan City (Sep
10) – Abot sa 119 na mga inmates o bilanggo sa Cotabato na may kinakaharap na
iba’t-ibang kaso ang sasailalim sa Enhanced Justice on Wheels Part 2 o EJOW II
na gaganapin sa Provincial Capitol gymnasium sa Sep. 25, 2014.
Ito ang napag-alaman mula kay Hon. Judge
Lily Lydia A. Laquindanum, ang Over-all Co-Chairperson ng programang EJOW II sa
2nd coordination meeting sa Capitol Rooftop kahapon.
Ayon kay Hon. Judge Laquidanum, abot sa 119
inmates ang lilitisin sa ilalim ng EJOW II at ang mga ito ay nag-qualify o
nakapasa sa mechanics ng naturang programa.
Kabilang dito ang 93 na mga preso mula sa
Cotabato District Jail, 9 mula sa Kidapawa City Jail, 4 mula sa Kabacan
Reformatory, 7 mula sa Pigcawayan District Jail at 6 naman mula sa Makilala
District Jail.
Abot naman sa kabuuang 167 kaso ang
reresolbahin ng EJOW II dahil ang ibang mga bilanggo ay may mahigit pa sa isang
kasong kinakaharap.
Ang mga lilitising preso sa ilalim ng EJOW
II ay kinabibilangan ng mga inmate na matagal ng nakakulong at hindi maresolba
ang desisyunan ang kaso, mga presong lumampas na ang jail term na dapat
pagsilbihan at iba pang mga kaso.
Nilinaw naman ni Hon. Judge Laquindanum na
hindi kasama sa EJOW II ang mga bilanggo na may kinakaharap na henous crimes at
mga high-profile inmates.
Si Jessie Enid, Provincial Focal Person on
Legal Services ang naging facilitator ng meeting kasama ang Provincial Legal
Office.
Ang Enhanced Justice On Wheels Program II o
EJOW II ay isang programa ng Supreme Court of the Philippines o SC na
naglalayong litisin ang mga kaso ng mga qualified in mates at sumailalim sila
sa adjudication, mediation at conciliation process ng korte sa loob ng mga bus.
Layon din ng programa na ma-decongest ang
iba’-ibang district jails o jail facilities sa bansa tulad ng Cotabato District
Jail na masikip na dahil sobra-sobra na ang bilang ng mga preso doon.
Noong 2012 kung kaylan unang ginawa ang
Justice on Wheels sa Cotabato Province partikular sa Cotabato District Jail,
abot sa 89 bilanggo ang napalaya matapos sumailalim sa JOW at nagkaroon ng
bagong buhay.
Inaasahan ang pagdating ni Supreme Court
Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Supreme Court Adminsitrator Jose Midas
Marquez at iba pang mga opisyal ng SC sa Provincial Capitol upang manguna sa
EJOW II.
Maliban naman sa paglilitis sa mga preso,
magsasagawa rin ng jail visitation, medical and dental at legal services ang
Provincial Government of Cotabato kasama ang Integrated Bar of the Philippines
(IBP) North Cot. Chapter, Phil. Army at iba pang partners.
Magkakaroon din ng dialogue sa pagitan ng
mga SC officials at ang 5 pillars of The Criminal Justice System at ilang mga
sektor mula Cotabato na kinabibilangan ng government sector, legal, police, barangay
officials, army, Non-Government Organizations o NGO’s, media at iba pa.
Ayon naman kay Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza, malaking tulong ang EJOW II sa pagbibigay ng hustisya sa mga
qualified inmates at upang mabawasan ang over-population san a bilangguan at
maging maayos ang mga ito.
Umaasa rin si Gov. Taliño-Mendoza na sa oras
na mapalaya ay magbabagong buhay na ang 119 na mga preso.
Kaya naman hindi na nagdalawang isip ang
gobernadora na isagawa ang EJOW II sa Cotabato Province dahil sa kabutihang
dulot nito sa komunidad. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento